This time, magtatagalog ako kasi mas maeexplain ko ang nangyari. Bear with me :D
Kanina habang naliligo ako, sumigaw ang katulong namin ng “walang tubig!”. Nag-panic ang mga tao sa labas ng banyo, tiningnan ko kung may tubig. Wala. Kaya yun worried ako, nakapag-shampoo na ako kaso ang problema hindi ko pa nababanlawan ang buhok kong may conditioner at hindi pa ako nakapagsabon sa katawan. Ayun, nagpanic ako. Buti nalang may natira pang tubig sa balde kaya ibinuhos ko sa buhok ko at sa toilet bowl na may *tabi-tabi sa kumakain* shit. Dahil sa gusto ko talagang sabunan ang katawan ko, kinuha ko ang loofah at ipinahid doon ang sabon. Nung bumula na, sinabon ko sa katawan ko.
Tumunganga lang ako ng ilang segundo hanggang naisip kong lumabas ng CR na may sabon pa sa katawan para kumuha ng pitsel na may tubig. Swerte ko, meron pa. Pumasok ako kaagad sa CR at binuhos ang tubig sa buo kong katawan. Nagtira ako ng tubig para panghugas ng mukha ko. Eh kinulang kaya yun, lumabas na naman ako sa banyo na nakapikit at may sabon pa sa mukha at kumuha na naman ako ng pitsel sa loob ng ref. Pumasok ulit ako sa Cr at ibinuhos ang MALAMIIIIIIIG na tubig sa mukha ko at sa ibang parte ng katawan ko. Pinunasan ko ng towel ang aking buong katawan, nagtapis at lumabas na sa loob ng CR.
PROBLEM SOLVED.

No comments:
Post a Comment